ANO NA NGA BA ANG SITWASYON NG PANGWIKA NATIN SA RADYO AT DYARYO SA KASALUKUYANG PANAHON?



ANG RADYO AT ANG DYARYO






         Ang radyo bilang isang midyum ng komunikasyon na naglalayong magbahagi ng mga kaganapan ng mundo sa mas malawak pa na sakop nito. Mauunawaan na ang gampanin ng radyo bilang gabay sa kamalayang panlipunan. Ang halos lahat ng mga estasyon ng radyo sa AM man o sa FM ay gumagamit ng Filipino at iba’t-ibang barayti nito. May mga programa rin sa FM tulad ng Morning Rush na gumagamit ng wikang Ingles sa pagbo-broadcast subalit nakararami pa rin ang gumagamit ng Filipino. May mga estasyon ng radyo sa probinsiyang may mga programang gumagamit ng rehiyonal na wika pero kapag may kinapanayam sila ay karaniwang sa wikang Filipino sila nakikipag-usap.


             Ang dyaryo o ang pahayagan ay naglalaman ng mga balitang karapatdapat sa pansin ng mamamayan. Ito ay isang instrumento ng paglalathala ng impormasyon o kaalaman. Ito rin ay ginagamit ng marami upang maipakalat ang sariling opinyon ng sumulat sa marami at magbigay ng kaliwanag sa mga isyung pangsuliranin ng bansa. Sa mga diyaryo naman ay wikang Ingles ang ginagamit sa mga broadsheet at wikang Filipino sa mga tabloid maliban sa People’s Journal at Tempo na nakasulat din sa wikang Ingles. Subalit tabloid ang mas binibili ng masa o mga karaniwang tao tulad ng mga drayber ng bus at dyip, mga tindera sa palengke, mga ordinaryong manggagawa, at iba pa dahil sa mas mura at nakasulat sa wikang higit nilang naiintindihan, kaya naman masasabing mas malawak ang impluwensiya ng mga babasahing ito sa nakararaming Pilipino. Iyon nga lang, ang lebel ng Filipinong ginagamit sa mga tabloid ay hindi ang pormal na wikang karaniwang ginagamit sa mga broadsheet. Nagtataglay ito ng malalaki at nagsusumigaw na headline na naglalayong makaakit agad ng mambabasa. Ang nilalaman ay karaniwan dingsensasyonal at litaw sa mga ito ang mga barayti ng wika kaysa pormal na Filipino.


              Sa kasalukuyang panahon ay mas pinipili na ng mga tao ang iba't ibang gadgets ngunit hindi natin maipagkakaila na ang radyo at dyaryo pa rin ang isa sa mga kadalasang ginagamit upang makapagbigay ng aliw at impormasyon sa sambayanang Pilipino. Kaya nga noong Disyembre 12, 2022 ay nagsagawa ng panayam ang aming grupo sa San Jose, Oval at sa aming institusyon, ang Valley High Academy, upang malaman nga namin kung ano na ang kalagayan ng sitwasyong pangwika sa radyo at dyaryo sa kasalukuyang panahon lalo na sa mga Gen Z.



Interview Link:

Comments